5 Bawal na Ipakain sa bata under 1 taong gulang

5 Bawal na Ipakain sa bata under 1 taong gulang

Did you like this post? Share it too.

Ang post na ito ay magfofocus sa 5 Bawal na Ipakain sa bata sa edad na di pa tumutuntong sa isang taong gulang. May mga bawal nga ba na pagkain sa mga bata? Meron at ito ay importanteng alam nating mga nanay.

5 Bawal na ipakain sa bata bago tumuntong sa isang taong gulan. Bakit ko nga ba ito naisipang talakayin? Noong napag isipan kong magblog ay puro English post lang ang ginagawa ko. Naisip ko na once in a while magpopost ako dito ng tagalog blog ( or tag-lish pala). Hangarin ko ay makatulong at makapagbigay impormasyon sa mga kababayang nanay din na tulad ko. Enjoy reading!

Ang mamuhay at manirahan na malayo sa sariling bansa, malayo sa sariling ina din ay may pagkachallenging. Becoming a mom myself at same time learning the kultura. Yes, magkaibang magkaiba ang kultura natin sa kanila. Pero dahil may mga kamag anak din ako dito naging madali din ang lahat. Kung may mga katanungan ako ay agad akong nag iinform sa kanila, lalo pa at sila ay nasa health care profession.

Big help din na alaga dito mula sa stage ng pagbubuntis, buwan buwan may check up para imonitor ang nanay at baby hanggang sa manganak at sa lumaki ang mga bata, merong check up lage.

Pagbabahagi ng kaalaman sa ibang nanay

Dahil dyan, marami akong natatanggap na mga information mula pregnancy to every development stage ng bata. Marami akong mga katanungang laging nasasagutan ng mga midwife, nurse at doctors. Yes, I usually have a lot of questions ready in mind before the appointments. It is worth to ask, at possible din sila tawagan if something comes up na very important.

Hilig ko din talaga magbasa so halos lahat ng binibigay nilang papers o booklets, binabasa ko. Malaking tulong na marunong na ako ng lenggwahe nila dito. Noong mga panahong dalawa palang ang anak ko, ayoko pa talagang bumili ng smart phone. Kahit na may computer kami sa bahay, sino ba may oras umupo sa harap ng computer para lang mag search ng mga kasagutan sa internet.

Lalo na if may toddler na takbo dito takbo doon (admit it, we cant put a toddler sitting just in one place, we actually need 4 hands with them sometimes and eyes around our head, di ba?). Pero if we have questions, we need professionals para masagot mga importanteng bagay na related sa health ng ating mga anak. O kaya minsan it´s easier to read booklet given by them kahit na during times na pinapatulog natin mga anak natin.

Ano nga ba ang 5 Bawal Ipakain sa bata sa edad 1 Taon pababa?

Anyway, here is top 5 what are very important na natutunan ko na bawal ibigay o ipakain sa ating mga anak na wala pang isang taon. Note, I am neither a nurse nor a doctor but this I learned from professionals and I strictly followed.

Honey

May bacteria ang honey na bawal sa mga maliliit na bata kapag napadami ng intake, Ito ay napakadelikado sa mg batang mas bata pa sa isang taong gulang dahil pwede silang magkaroon ng infant botulism na magcause na maparalyzed sila at worst pwede nila ikamatay.

Eventhough honey is natural remedy kapag may ubo ang bata, I usually gave them from age 3 ng 1 teaspoon ng honey bago matulog para mawala ang kanilang ubo.

Salt o Asin

This I was surprised to know na ang babies pala were born with immature kidneys until the age of 2 kaya hindi advisable na bigyan ng salt ang baby under 1. Isa ito sa 5 Bawal Ipakain sa bata na wala pang isang taong gulang.

Hindi kayang iprocess nila ang extra salt. How much more ang mga extra preservatives sa foods. So its really a big no no sa mga processed food din like sausages and hotdogs sapagkat processed food has very high amount of hidden salt.

Fresh cows milk o Gatas ng baka

Dito sa Finland, its common to have fresh milk sa bahay. Dairy product is part of daily diet, kasi its source of calcium and D-vitamins too. You can have three common options, fat free, reduced fat milk and whole milk.

Pero there is higher amount of protein daw that is not good for baby under 1. Besides, if they are taking more of cows milk, ang ibang nutrients na needed nila sa edad nila ay di nila makukuha from there so if hindi na breastmilk ang baby, better give the formula milk hanggang sa tumuntong sila sa isang taong gulang.

Liver food

Any liver food / pate /paste / spread ay ipinagbabawal sa batang under 1 kasi it containes high vitamin A. Itong vitamins na ito ay nakakapagcause din ng liver failure na delikado lalo na sa mga bata.

Ano nga ba mga pagkaing pinoy na may liver paste / spread? Isa na dito ay ang menudo. Pwede natin bigyan ang ating anak ng menudo habang wala pa ang mga panlasa tulad ng asin at liver spread.

Sugar o Asukal

Not only na masisira ngipin nila but also this will give them too much energy but low nutrients kaya hindi healthy. So dahil dyan, I never gave my kids ng kahit na anong juice, cakes, candies or any sweets under 1.

Maaring napapaisip kayo, ang dami naming bawal, ano nalang ipakain natin sa mga anak natin lalo na at age of 6 months we are introducing them to solid foods.

Here is my tip, you can cook same food as your baby but before you add any pampalasa, separate nyo na agad ang para sa kanila. Believe me, they can survive without those lasa in their diet yet. They wouldn’t even know what food with salt tastes and what does candy or sweet taste. Unless they already tried it, then there is no turning back. They will not anymore accept any walang gaanong lasa na food.

We moms are responsible to what food we give to our kids. This is only my experience and sharing some informations na natutunan ko. I don´t force anyone na ifollow to. Just some information and giving positive vibes BUT as mom we always wants the best for them and wants them to grow up healthy. Hope this is worth reading.

Notice: Brand ng products used are those found at home, I am not advertising them nor against them prior to this blog.

For more tagalog blogs or Motherhood stories.

Simply Finnoy Mom is also in Instagram, follow my journey as a mother.

Did you like this post? Share it too.

Leave a Reply

The following GDPR rules must be read and accepted:
This form collects your name, email (We don´t publish your email) and content so that we can keep track of the comments placed on the website. For more info check our Privacy Policy where you will get more info on where, how and why we store your data.